Thursday, May 17, 2012
Lesson Plan(Log Plan) in Filipino 1
Unang Markahan:
Pabula
|
Aralin 1:
|
Bilang ng Araw/Sesyon:
5 araw
|
ANTAS
1
Kakailanganing Pag-unawa para sa Aralin:
Ang pabula na mga hayop ang
karaniwang ginagamit na tauhan ay kasasalaminan ng kultura, kaugalian at
kalagayang panlipunan ng lugar at panahon na pinagmulan nito.
May
iba’t ibang paraan ng pagtatanong na angkop sa paksang pinag-uusapan at sa
uri ng mga taong tinatanong at ang mga ito’y nakatutulong upang makuha ang
tiwala ng taong kinakausap at ang kakailanganing mga impormasyon.
|
Mahahalagang Tanong
para sa Aralin:
Masasalamin ba sa mga pabula ang kultura at
kalagayang panlipunan ng lugar at panahon na pinagmulan nito? Patunayan.
Bakit mahalaga ang kasanayan sa tamang
pagtatanong ?
|
Nauunawaan ng mag-aaral ang :
A.
Panitikan
Ang
Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula
B.
Gramatika/Retorika
Iba’t ibang
paraan ng pagtatanong tulad ng:
Mga tanong na humuhingi ng limitadong
sagot na Oo at Hindi;
Mga tanong na masasagot ng mayroon, wala,
oo, hindi, ayaw ko/ayoko,ewan/aywan,marahil at iba pa na may tonong naiinis,
naiinip, natutuwa,walang gana at iba pa;
Mga tanong na binubuo ng pangungusap na
sinusundan ng hindi/di ba upang matiyak ang katotohanan (o kamalian) ng
sinasabi ng pangungusap.
|
Ang mag-aaral ay:
Nakapagsasalaysay ng
pabulang “Ang Matsing at ang bPagong” mula sa orihinal na komiks na nilikha
Nakapag-uulat sa masining na paraan ng
nasalksik na mga impormasyon kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng pabula.
Nakapaglalahad
ng mahahalagang pangyayari mula sa isinasagawang pag-uulat.
Nakapagsasagawa ng panayam sa mga tao sa
kani-kanilang pamayanan kaugnay ng paksang tatalakayin gamit ang iba’t ibang
paraan ng pagtatanong.
Nakapagababahagi ng kani-kanilang
karanasan at natutuhan mula sa isinagawang panayam.
|
ANTAS 2
Inaasahang Pagganap:
Pagsasagawa ng panayam (Interview with the Experts)
kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng pabula o mga kauri nito.
|
Pagpapatibay ng Antas ng Pag-unawa:
Naipamamalas ng
mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng:
Paghahambing sa
kalagayan ng mga pabula noon at sa kasalukuyan.
Kraytirya : kaangkupan
ng mga ideya; naglalahad ng mga patunay; naglalahad ng sariling konklusyon
Pagbibigay ng
sariling pakahulugan sa mga nakalap na impormasyon kaugnay ng kaligirang
pangkasaysayan ng pabula.
Kraytirya :
makatotohanan; napapanahon; may kaugnayan sa mahalagang kaisipan ng pabula;
malikhain
Paglalahad ng
sariling pananaw tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng mga pabula ng
sariling lugar/rehiyon sa kasalukuyan.
Kraytirya : naglalahad
ng pananaw ng iba’t ibang tao; may batayan ang nabuong sariling pananaw ;
napaninindigan ang sariling pananaw
Pagbabahagi ng
sariling damdamin at damdamin ng ibang tao tungkol sa kalagayan ng mga
pabula sa kani-kanilang lugar/rehiyon sa kasalukuyan.
Kraytirya : makatotohanan;
naglalarawan ng iba’t ibang damdamin ng mga tao sa sariling rehiyon
Pagbibigay ng mga
mungkahing paraan o gawain na dapat gawin upang patuloy na lumaganap at
tangkilikin ng mga tao ang pabula.
Kraytirya : makatotohanan; napapanahon; may kaugnayan sa
pangyayari sa pabula
Pagninilay-nilay tungkol sa mga kabutihang nagawa ng pabula sa
kanyang sarili.
Kraytirya : makatotohanan; napapanahon; may kaugnayan sa mahalagang kaisipan ng
pabula ; malikhain
|
Sa Antas ng Pagganap:
Pagtataya sa isinagawang panayam (Interview with the
Experts) batay sa sumusunod na kraytirya:
A. Batay sa
pananaliksik
B. Kaangkupan
sa paksa
C. Tama ang paraan ng pagtatanong at pagsagot
D. Nagtataglay ng mga elemento ng panayam
|
ANTAS 3
UNANG ARAW
Pagtuklas:
Ø
Hatiin sa tatlong pangkat ang klase.
Ipapasaliksik ang pabulang Ang Matsing at
ang Pagong” sa www. pilipinokomiks.blogspot.com
Ø
Ilahad sa klase ang tungkol sa pabulang “Ang
Matsing at ang Pagong” na isinakomiks
![]()
Ø
Pagbuuin ang bawat ng pangkat ng sarili nilang
kwento batay sa pabula
Paglinang:
Ø
Iugnay ang pag-uugali ng mga tao at kalagayang
panlipunan ng panahong isinakomiks ni Rizal ang pabulang “Ang Matsing at ang
Pagong” sa tulong ng Venn Diagram o iba pang istratehiyang
angkop sa gawaing ito. (kolaboratibong gawain)
Ø
Bigyan ng pagkakataon ang bawat pangkat na
ipaliwanag ang kanilang ginagawang paghahambing.
Pagpapalalim:
Ø Itanong
ang Mahahalagang Tanong (EQ) para sa aralin:
1.
Masasalamin
ba sa mga pabula ang kultura at kalagayang panlipunan ng lugar at panahong
pinagmulan nito? Patunayan.
2.
Bakit
mahalaga ang wastong kaalaman sa pagtatanong ?
Paglalapat :
Ø Ipasagot
sa bawat pangkat ang EQ. Ipaskil ang mga ito sa dingding upang pagkatapos ng
aralin ay balikan ng mga mga-aaral at makita kung sino ang may tamang
Kakailanganing Pag-unaawa (EU).
Ø Ilahad
ng guro ang Inaasahang Pagganap para sa aralin (Pagsasagawa ng Panayam/Interview with the Experts).
Ø
Bumuo ng mga kraytirya kung paano ito
tatayain/mamarkahan. Isama ang mga
mag-aaral sa pagbuo ng mga kraytirya.
Ø
Ibigay
na takdang aralin sa bawat pangkat ang pananaliksik tungkol sa pabula at ang
kaligirang pangkasaysayan nito.
Pangkat 1 –
pananaliksik sa pamamagitan ng Internet
Pangkat 2 –
pananaliksik sa silid-aklatan
Pangkat 3 –
pakikipanayam sa mga taong may sapat na kaalaman sa paksa
MGA KAGAMITAN
Orihinal na komiks ng
Ang Pagong at ang Matsing na nilikha ni Dr. Jose P. Rizal
Babasahin tungkol sa
Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula
Mga Kraytirya sa Pagtataya ng
isinagawang panayam
Internet, www.pilpinokomiks.blogspot.com
|
Subscribe to:
Posts (Atom)